Inspirational

Simpleng Katotohanan


Malamang ay narinig mo na ang Kanyang tanyag na pangalan
Sino? Saan? Kailan?
Ang nag-iisang kasagutan

Sa mga panahong tila pinagtakluban ka na ng langit
Pilit Nyang binubuksan ang Kanyang mga bisig
Upang maramdaman mo na kailan man di ka nag-iisa

Ilang beses mo man Syang talikuran
Buong buhay Sya ay maghihintay sa ating pagbabalik
Kasi Sya dapat ang Una nating pag-ibig

Alam Nya ang iyong bawat kamalian
Ngunit wag ka mag-alala dahil
Husgahan ka man ng mundo, itaboy ka man ng kung sino
Itong dakilang pag-ibig na ibig kong ipahiwatig
Ay tanggap ka at handang linisin bawat kamalian mo
At kalimutan ano mang kasalanang nagawa mo

Di tatalab ano mang problema
Dahil lahat ng ito’y nawawalan ng bisa
Gamit ang dalawang salita Nyang “MAHAL KITA

OO! MAHAL KA NYA.
Wala ng paligoy-ligoy pa
Kahit ang dila ko ay mamilipit
At mga salita ay di na magtugma
Basta masabi ko lang ang mga katagang
MAHAL KA NYA

Ito ang katotohanan
Isang simpleng katotohanan
Walang alam na hangganan
Hindi tinitingnan ang iyong kapalpakan at mga kasalanan
Walang kahit ano mang karamdaman

Ito ang katotohanang nagsasabing
Mahal kita, kahit anong sakit pa
Mahal kita, at hindi ka nag-iisa
Ito ang simpleng katotohanang nais kong ipaabot
Ito ang katotohanang kailan man di ka malilimot
Ito ang katotohanang nagpapalaya sa kahit anong sakit, pighati at takot

Ito ang katotohanang malamang ay narinig mo na
Pero sa mga oras na ito hayaan mong sya mismo ang mag pa kilala

John 3:16


Words by: Rose Pepito and May Jerrusalem

Performed by: Maris Angco

Share me your thoughts!

%d bloggers like this: